Minamahal kong blog,
Matatapos na ang taon ! Iyo ba itong napainiwalaaan Sapagkat ako ay hindi.
Ngayong linggo ay aming tinalakay namin ang katauhan ni Maria Clara at ang
pag-iibigan nila ni Maria Clara, at ano pa nga ba ang inaasahan kundi buhay na
buhay ang bawat isa sa talakayan. Palibhasa ay tungkol ito sa pag-ibig.
Trahedya ang naging wakas ng Noli Me Tangere, at ang istorya ng pag-iibigan ni
Maria Clara at Crisostomo ay nagpaluha sa akin. Hindi ko pa ang naranasan ang
umibig... ngunit mahilig akong magbasa ng mga nobelang ukol dito. Nakabasa na
ako ng istorya na mayroong namatay sa dulo, o di kaya'y hindi sila
magkakatuluyan sa huli. Lahat iyon ay iniyakan ko. Lagi kong iniisip kung ano
kaya ang pakiramdam ng magmahal... sa mura kong edad ay mayroon na akong ideya
sa pag-ibig. Alam kong sa oras na ikaw ay magmahal ay dapat na walang
hinihintay na kapalit. Handa kang magparaya. Handa kang masaktan. Ang pag-ibig
ay pagpapahalaga sa kaligahayan ng iba higit pa sa kaligayahan ng iyong
sarili. Ganoon naman ang ginawa ni Maria
Clara at Ibarra, ngunit sa huli ay hindi sila naging masaya. Napakasakit siguro
ng ganoon. Nang mawalay sa taong pinagaalayan mo ng buhay, ang hindi makita ang
siyang dahilan ng pagbangon mo sa araw-araw. Damang- dama ko ang sakit na
naramdaman ng dalawa g sila ay magpaalam sa isa't-isa... Kung siguro'y mabibigyan
ako ng pagkakaton na makausap si Dr. Jose Rizal ay hihilingin ko na bigyang
katarungan niya ang pag-iibigan ni Maria Clara at Ibarra. Na kahit papaano ay
maging masaya sila...
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento