Biyernes, Marso 20, 2015

Pahina

Sa buhay ng tao marami tayong makikilala. Mayroong nakatadhana upang mamamlagi ng matagal, at mayroon din namang daraan lamang. Pero kahit gaano man kaikli o kahaba ang panahon na nakasama mo sila, mag-iiwan sila ng marka sa iyong pagkatao. At minsan ang pinakamasakit na parte nito ay ang iwanan ang mga taong gusto mong makasama habang buhay...  

     Planado na ang aking buhay. Planado na kasama sila. Binubuo ang aming klase ng 42 na estduyante. Ang aming pangkat ay hindi na nababawasan, hindi rin nadadagdagan. Sa aking pagpasok sa hayskul ay wala akong ni isang kilala, bagong lipat ako noon sa lugar. Sa mga unang araw ng klase ay wala akong nakakausap, ang iba sa kanila ay dati nang magkakaklase kaya naman hindi na sila nairapang makihalubilo. Ngunit nakaraan na iyon. Hindi ko alam kung paano nangyari, kung bakit ganoon ang kinahinatnan. Parte na ako ng isang pamilya. Sa amin pangkat na iyon walang titibag. 

     Sila ang mga taong humubog sa akin, marami ang aking pinagbago sa mga panahong nakasama ko sila. Natuto akong mangarap, nagkaroon ako ng tiwala sa sarili. Sa sampung oras na ginugugol naming magkakasama sa eskwelahan ay kilala na namin ng lubusan ang isa't-isa. Mayroon akong mga kinaiinisan noong una, ngunit sa kalaunan ay nakasanayan ko na din ang mga ugali at naintindihan. Alam namin ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa. Alam namin kung sino ang lider sa tuwing mayroong pangkatan, alam namin kung sino ang dapat gawing bida sa mga presentasyon. Pag kailangan ng mga representatibo sa mga paligsahan ay kilala namin kung sino ang maaring isali. Kumbaga ba, 'matik na'. Alam namin ang lugar ng bawat isa. Kilala namin kung sino ang magaling sa anong bagay. Gamay na namin ang isa't-isa.

     Mayroong iba't-ibang grupo sa aming section. Sa tuwing break time ay kaniya-kaniyang puwesto. Nandiyang ay may sumasayaw, naggigitara, nagpapatugtog, nababasa, at kumakain. Iba't-iba ang trip. Pero sa oras na kailangan naming magtulungan, mahirap man ay nagagawa naming magsama-sama. Hindi maiiwasan ang kompetsiyon sa ibang seksyon, kaya pag oras nan lumaban ang game na game kami. Nasanay ako sa ganoong buhay, nasanay sa presensya ng aking ma kaibigan. Nasanay sa puntong hindi ko na kayang mawala sila, na hindi makukumpleto an araw ko kung hindi sila kasama. Binuo namin ang aming mga pangarap ng magkakasama. Plinano kung saang unibersidad kami magaaral at kung anong kurso ang kukunin. Binalak pa naming tumira sa iisang dormitoryo. Ang hinaharap ko ay kasama sila... 

      Pero ang lahat ay nagbabago, at kahit alam ko na darating an araw na kakailanganin naming maghiwalay at tahakin ang kaniya-kaniyang landas, hindi ko inakalang mas mapapaaga ito. Kinailangan naming lumipat ng bahay, at ako naman ay lilipat ng eskwelahan. Noong unang linggo ng pasukan ay gabi-gabi akong umiiyak. Lagi kong pinapanalangin na sana gumawa ang Diyos ng paraan upang makabalik ako sa dati kong pinpasukan. Pag break time na ay lalo akong nalulungkot... Pag nakikita ko silang may kaniya-kaniyang puwesto, pag may nakikita akong nag-aaya na lumabas at bumili. Wala na akong kaibigan na kasabay kumain, wala nang kasama lumabas. Nag-iisa na lang ako.

      Ilang linggo din bago tuluyang tanggapin ng isip ko na dito na talaga ako. At nang dumating ang panahon na iyon ay sinibukan kong magpakatatag. Nagkaroon ako nng mga bagong kaibigan, at unti-unti ay nalaman ko ang lugar ko sa pamilyang ito. Malaki ang pagbabago sa aking pag-aaral. Hindi ako sanay sa ilan nilang ginagawa. Lumipas ang mga araw... at ang babaing mag-isang naka-upo sa likod ay wala na.

      Masasabi kong lubos na naging masaya ang isang taon na inilagi ko sa eskwelahan na ito. Hindi na ito ang bago kong eskwelahan...ito na ang aking tahanan. Nakibahagi ako sa ilang organisasyon at sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang gumawa ng mga masasayang aktibidad. Dahil dito ay dumami ang aking nakilala, nakarating ako sa iba't-ibang lugar. At higit sa lahat ay nagawa kong kilalanin ang bawat isa sa bago kong pangkat.

     Laging puno ng tawa ang bawat araw sa aming klase. Magmula sa pag-uulat at pagtatanghal mg natural ng komedyante ang mga bago kong kakaklase. At kahit uwian na ay di pa rin nauubos ang kwentuhan. Madaming alaala ang nabuo ko kasama sila. At sa pagtatapos ng taon na ito lubos akong nagpapasalamat sa kanila, lalo na sa mga taong naging lubos na malapit sa akin...

      Salamat sa patanggap.
      Salamat sa pag-intindi.
      Salamat sa pagpapatawa.
      Salamat dahil nandiyaan sila sa tuwing kailangan ko ng  kausap.
      Salamat sa mga tulong.
      Salamat dahil hindi niyo ako hinayaang ma-isa.
      Salamat sa isang taong puno ng saya.

Marahil kung hindi dahil sa kanila, ay gabi-gabi pa rin akong umiiyak. Sa aking paglipat ay panibagong pahina ang aking binuksan, at nagpapasalamat ako sayo na nakababasa nito dahil naging parte ka ng pahinang ito. At lagi kong hiling na masusundan pa ang mga taong tayo'y makakasama aking kaibigan.

         

+ 2

"Sayang !"

Iyan ang lagi kong nasasambit sa tuwing naaalala ko na hindi pa ako magtatapos pagtuntong ko sa ikaapat na taon sa hayskul. Salamat sa K-12. Excited pa naman akong pumasok na sa kolehiyo. Asar na asar ako dahil ang hirap mag-aral, dahil nga bago pa lamang ipinatutupad ay kulang sa materylaes. Walang mga modyul, ang hirap sumabay sa talakayan, kailangan ng sariling sikap. Bukod doon ay napakarami ang ginagawang proyekto. Pero kalaunan ay nagawa ko ding katuwaan ang programang ito. Malaki ang pinag-kaiba nito sa dating kurikulum, mas nakakapagod. Biruan nga namin na bago kami magtapos ay mga artista, direktor, cameraman na kami. Sa dami ba naman ng mga film na pinagagawa sa amin, kada grading sa bawat subject ay meron. Pero masaya ang dulot nito..Sa mga panahong ginagawa o shinoshoot namin ang aming film, madami ang nagaganap. Mga kalokohan, tawanan, minsan ay awayan. Pero ang mga pinagagawa sa amin ay nagpapatatag sa amin. Sa samahan. Nabubuo ang tiwala, nahuhubog ang pagiging lider, higit sa lahat ay nahahasa ang aming mga talento. Kahit na laging magulo ang buhok ko dahil sa dami ng ginagawa, masaya naman ako. Sa oras na natapos na ang gawain ay hindi ko maiwasan ang lumundag sa sobrang tuwa. Tuwa na tapos na ang aming kalbaryo. Pero mas nangingibabaw ang tuwa dahil natapos namin ito ng maayos, sa kabila ng mga di pagkakaintindihan, at mga kaguluhang naganap. Iyon ang pinakamasaya. Dagdag taon, dagdag gastos ang K-12. Pero kait ganoon ay nararapat lamang ito. Sa oras na kami ay magtapos paniguradong handa na kami. Handa na kaming harapin ang realidad ng buhay, handa na kaming tahakin ang mga landas na aming pinili. Sa tamang edad at tamang panahon, malaki ang naitulong ng programang ito.  Isang malaking hamon para sa aming lahat.

Titser

 Siya yung tipo ng tao na hindi mo nanaising lapitan. Itsura pa lamang ay halata na ang pagiging istrikto at seryoso, mga katangiang kinatatakutan ng mga estudyanteng katulad ko. Ang simpleng presensya niya ay nagpapatiklop sa aming klase. 

"Andiyan na si Ma'am!", at agad-agad na magpupuyusan tungo sa kani-kanilang upuan ang buong klase. 
          Ganoon namin siya kinatatakutan. At sa tuwing mayroon kaming nagagawag kasalanan ay hindi niya kailangang sumigaw, bahagyang taas lamang ng tinig ay nagpipigil na kami ng hininga. Naalala ko noong minsan siyang nagsermon sa amin tungkol sa mga nilalaman ng aming blog na kaniyang pinagagawa. Nakatayo lamang siya sa harapan at ni hindi kami tinitingnan, nakatuon ang kaniyang pansin sa papel na kaniyang hawak. Nunit kahit na hindi niya kami pinandidilatan, kahit hindi siya direktang nakatingin sa akin ay takot na takot akong gumalaw. Takot akong may magawang mali na lalo pa niyang ikagagalit. Sa simula ay natakot akong isipin na buong taon namin siyang magiging guro... pero sabi nga nila may mga bagay na hindi natin kontrolado.

         Isa na siguro ako sa mga maituturing na suwerteng estudyante. Isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataon na makilala ang kabilang bahagi ng aming guro. Ang katauhan na makulit, malakas mang-asar at magaling makisama sa mga kabataan. Minsan nga ay tinutukso niya ako sa aking hinahangaan. At sa mga ganoong pagkakataon ay tawa na lamang ang aking naigaganti. Malakas din siyang magbara kaya naman sa tuwing makakasama namin siya sa mga aktibidad ay sumasakit ang aming mga tiyan sa kakatawa. 'Kalog', iyon siguro ang tamang termino. Magugulat ka na lamang sa mga biglaan niyang pagpapatawa. Ngunit sa kabila nito ay hindi mawawala ang respeto sa kaniya, nandoon pa din ang pagtingin bilang isang guro.

         Sa araw-araw naming talakayan ay mamamangha ka din sa kaniya. Hindi siya basta-bastang tumatanggap ng sagot na walang kabuluhan, kailangan ay pinag-iisipang mabuti. At kung ikaw ay tatayo sa harapan upang mag-ulat ay dapat na alam mo ang iyong iuulat kung hindi ay paniguradong malalagot ka. Hindi siya natutuwa kung nakaaliw lamang ang presentasyon dapat ay nandoon pa rin ang nilalaman nito. Sa mga gawain at takda ay napaka-mitikolosa niya. Alam niya kung sino ang gumagawa at hindi, kung sino ang nangongopya lamang. Wala ka talagang lusot. 

       Sa pagtatapos ng taon madami akong natutunan. Kaya naman kahit na minsan ay gusto ko siyang taguan, kahit minsan ay takot akong lapitan siya, at kadalasan ay hindi ako makapagsalita sa harap niya ay hindi ko maikakailang siya ang isa sa ma paborito kong guro... Alam niya kung kailan maaring tumawa at kailan dapat maging seryoso. Kaya niyang makipagsabayan sa aming mga 'trip' ng hindi naalis ang aming mataas na pagtingin sa kaniya. At kahit na may pagka-istrikto sa loob ng klase ay tama lamang ito. Lahat kami ay natututo, lahat kami ay nakikinig. Kumbaga sulit ang bawat sentimo na ibinabayad sa kaniya ng pamahalaan, dahil nagagawa niya ang kaniyang trabaho. Hindi kami aalis sa baitang na ito ng walang baon na ma kaalaman. At higit sa lahat ay nag-iwan din siya ng mga masasayang alaala na aming babalikan... Yan ang aming titser.

Linggo, Marso 15, 2015

Takda


Pangkatang Gawain

Tunay na Pag-ibig


Ang tunay na pag-ibig ay nagsisimula sa tiwala.Sa tiwalang mayroong taong nagmamahal sayo ng buong puso, na tatanggapin ang iyong buong pagkatao. Ito ang pagtitiwala na kahit magkalayo man kayo, walang distansya, walang haba ng panahon ang puputol sa inyong pag-iibigan. Iyang ang tunay na pag-ibig...

Ikaapat na Markahan, Ikasiyam na Linggo ( Marso 10 - 12, 2015 )

Minamahal kong blog,

Matatapos na ang taon ! Iyo ba itong napainiwalaaan Sapagkat ako ay hindi. Ngayong linggo ay aming tinalakay namin ang katauhan ni Maria Clara at ang pag-iibigan nila ni Maria Clara, at ano pa nga ba ang inaasahan kundi buhay na buhay ang bawat isa sa talakayan. Palibhasa ay tungkol ito sa pag-ibig. Trahedya ang naging wakas ng Noli Me Tangere, at ang istorya ng pag-iibigan ni Maria Clara at Crisostomo ay nagpaluha sa akin. Hindi ko pa ang naranasan ang umibig... ngunit mahilig akong magbasa ng mga nobelang ukol dito. Nakabasa na ako ng istorya na mayroong namatay sa dulo, o di kaya'y hindi sila magkakatuluyan sa huli. Lahat iyon ay iniyakan ko. Lagi kong iniisip kung ano kaya ang pakiramdam ng magmahal... sa mura kong edad ay mayroon na akong ideya sa pag-ibig. Alam kong sa oras na ikaw ay magmahal ay dapat na walang hinihintay na kapalit. Handa kang magparaya. Handa kang masaktan. Ang pag-ibig ay pagpapahalaga sa kaligahayan ng iba higit pa sa kaligayahan ng iyong sarili.  Ganoon naman ang ginawa ni Maria Clara at Ibarra, ngunit sa huli ay hindi sila naging masaya. Napakasakit siguro ng ganoon. Nang mawalay sa taong pinagaalayan mo ng buhay, ang hindi makita ang siyang dahilan ng pagbangon mo sa araw-araw. Damang- dama ko ang sakit na naramdaman ng dalawa g sila ay magpaalam sa isa't-isa... Kung siguro'y mabibigyan ako ng pagkakaton na makausap si Dr. Jose Rizal ay hihilingin ko na bigyang katarungan niya ang pag-iibigan ni Maria Clara at Ibarra. Na kahit papaano ay maging masaya sila...

                                  Nagmamahal,

                                  Camille

Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo (Marso 3 - 6, 2015)

Minamahal kong blog,

Masarap ang magkaroon ng tunay na kaibigan. Gusto ko ng katulad ni Elias.  Isang taong handang isakripisyo ang sarili para sa kaniyang kabigan. Ngunit aking napag-isip isip.. kung ako kaya si Elias, magagawa ko bang ibuwis ang aking buhay para kay Ibarra? Handa ko bang talikuran ang hinaharap na naghihintay sa akin para lamang sa aking prinsipyo? Katapangan ang kinakailangan doon. At minsan sa buhay ay nawawalan ako noon. Madalas ay sarili ko lamang ang aking iniisip. Ipinagsasawalang bahala ko ang kalagayan ng iba. Sabi nga sa nabasa ko, " The only way to have true friends is to be one...". Iyon siguro ang pag-aaralan ko. Ang maging kaibigan higit ano pa man. Isang kaibigan na hindi lamang handan magpahiram ng bolpen sa katabi, o di kaya'y mag-pautang. Kundi isang kaibigang matapang na pagsasabihan ang kaniyang kaibigan kahit na magalit ito sa kaniya sa kadahilanang ayaw niya itong mapahamak. Sa aming pagtalakay sa Noli, napakarami kong natututunan... Ganoon din sana ang iba pang mag-aaral dito. Higit pa sa kalagayan ng Pilipinas, at ang pakikipaglaban para sa kalayaan. Pati na ang mga aral sa bawat tauhan ng nobelang ito...

                        Sumasaludo kay Elias,

                        Camille