"Sayang !"
Iyan ang lagi kong nasasambit sa tuwing naaalala ko na hindi pa ako magtatapos pagtuntong ko sa ikaapat na taon sa hayskul. Salamat sa K-12. Excited pa naman akong pumasok na sa kolehiyo. Asar na asar ako dahil ang hirap mag-aral, dahil nga bago pa lamang ipinatutupad ay kulang sa materylaes. Walang mga modyul, ang hirap sumabay sa talakayan, kailangan ng sariling sikap. Bukod doon ay napakarami ang ginagawang proyekto. Pero kalaunan ay nagawa ko ding katuwaan ang programang ito. Malaki ang pinag-kaiba nito sa dating kurikulum, mas nakakapagod. Biruan nga namin na bago kami magtapos ay mga artista, direktor, cameraman na kami. Sa dami ba naman ng mga film na pinagagawa sa amin, kada grading sa bawat subject ay meron. Pero masaya ang dulot nito..Sa mga panahong ginagawa o shinoshoot namin ang aming film, madami ang nagaganap. Mga kalokohan, tawanan, minsan ay awayan. Pero ang mga pinagagawa sa amin ay nagpapatatag sa amin. Sa samahan. Nabubuo ang tiwala, nahuhubog ang pagiging lider, higit sa lahat ay nahahasa ang aming mga talento. Kahit na laging magulo ang buhok ko dahil sa dami ng ginagawa, masaya naman ako. Sa oras na natapos na ang gawain ay hindi ko maiwasan ang lumundag sa sobrang tuwa. Tuwa na tapos na ang aming kalbaryo. Pero mas nangingibabaw ang tuwa dahil natapos namin ito ng maayos, sa kabila ng mga di pagkakaintindihan, at mga kaguluhang naganap. Iyon ang pinakamasaya. Dagdag taon, dagdag gastos ang K-12. Pero kait ganoon ay nararapat lamang ito. Sa oras na kami ay magtapos paniguradong handa na kami. Handa na kaming harapin ang realidad ng buhay, handa na kaming tahakin ang mga landas na aming pinili. Sa tamang edad at tamang panahon, malaki ang naitulong ng programang ito. Isang malaking hamon para sa aming lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento