Aking minamahal na
blog,
Ang mga nakaraang
araw ay nagging napakasaya. Hindi ko magagawang ibahagi saiyo ang mga nangyari
sa aming klase sa kadahilanang wala ako rito. Tumungo ako kasama ang aming guro
at ilan sa aking mga kamag-aral sa Batangas, para sa kompetisyong nabanggit ko
sa nakaraang sulat ko saiyo. Iyon na lamang ang aking ibabahagi saiyo. Sa loob ng apat na araw naming pamamalagi
doon ay napakaraming alaala ang aming binuo.
Maaga kaming gumigising upang makaligo ng maaga at hindi mahuli sa mga
aktibidad na kami ay kasali. Tagos sa buto ang lamig sa lugar na iyon,
pakiramdam ko noon ay nasa ibang bansa ako dahil ilang patong ang aming
suot. Marami akong nakilala, mga taong
sa sandaling panahon ay nagpasaya at nagpataw sa akin. Tawa doon, tawa dito,
hindi kami nauubusan ng pinaguusapan hindi nagging balakid ang pagkakaiba ng
eskwelahang aming pinagmulan. Nabuo ang isang pagkakaibigan, ang isang samahan,
magmula sa mga kalokohan at mga biruan hanggang sa mga di malilimutang
pagkakataon. Mas nakilala ko pa ang
aking mga kasama at ang aming guro. Hindi ko malilimutan ang karanasang iyon,
nasasabik na ako sa susunod na taon. Hindi man kami pinalad na magwagi ay baon
naman naming ang isang karanasang hindi matutumbasan ng kahit ano pa mang
premyo.Marami akong kailangang habulin sa aming talakayan sa eskwela, nananabik
na rin ako sa aking mga kaklase. Hanggang sa muli aking kaibigan…..
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento