Aking minamahal na
blog,
Nakakapagod ang
linggong ito. Napakarami ang pinapagawa at kinakailangang ipasa, kitang-kita mo
ito sa itsura naming mga estudyante. Mababahid ang pagod sa aming mga mata, may
mga pagkakataon na umiinit ang aming ulo dahil sa dami ng iniisip. Ang aming pagtalakay
sa Noli Me Tangere ay nagging madali naman. Sa pag-uulat ng mga pangkat ng mga
kabanatang naiatas sa kanila mas madali naming naunawaan ang mga nangyari sa
nobelang ito. Naiugnay din naming ang mga pangyayaring it okay Crisostomo
Ibarra. Pagdating ng Biyernes amin
munang kinalimutan ang akdang ito at gumawa ng kaali-aliw na bagay para sa araw
ng mga puso. Nakatutuwa dahil idinaan
naming sa tula ang mga bagay na nais naming iaparating sa isang tao na tungkol sa
pag-ibig. Ginamit ko ang pagkakataon
upang gumawa ng tula na kagigiliwan ng iba. Maligang araw ng mga puso !
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento