Aking minamahal na
blog,
Ikinalulungkot ko
ang linggong ito. Dahil sa isang karamdaman hindi ko nagawang pumasok sa aming klase. Ilang araw din akong nanghina na halos hindi
na ako makakain. Marami akong hindi natunghayan sa mga araw na wala ako. Isa na
rito ang aming informance kung saan gagayahin ang mga tauhan ng Noli Me
Tangere. Ayon sa aking mga nasagap ay ikinatuwa ni Gng. Mixto ang kinalabasan
ng informance. Magaling ang ipinakita ng mga tauhan na ikinaaliw ng mga manunuod,
nanghihinayang ako dahil hindi ako nakaganap sa gawaing iyon. Sinimulan din
namin ang pagtalakay sa bawat kabanata
ng Noli Me Tangere, sa pamamagitan ng paguulat ng mga pangkat. Isinagawa it
upang mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng mga pangyayari sa mga kabanata at
ang koneksyon nito kay Crisostomo Ibarra ang bida.
Nais ko nang
pumasok upang makasabay na sa talakayan.
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento