Aking minamahal na
blog,
Kamusta ka aking
kaibigan? Isang linggo na rin ang
lumipas mula nang huli akong sumulat saiyo. Ngayon ay mayroon akong baong
kuwento para saiyo. Lahat ng bagay ay may dahilan, gayun din ang pagkakasulat
ng ‘Noli Me Tangere’ at iyon ang aming tinalakay sa linggong ito. Sinubukan
naming pasukin ang isipan ni Jose Rizal at alamin kung bakit ninais niyang
isulat ang nobelang ito. Lalong lumalim ang aking paghanga sa ating pambansang
bayani sa aking mga natutunana. Sadyang
napakatalino niya. Nagmasid siya at hindi isinawalang bahala ang mga
nagyayari sa kaniyang paligid.Inisip niyang mabuti ang kahulugan nito at ang
mga maaari pang mangyari sa hinaharap. Alam niya ang magiging epekto nito kaya
naman ginamit niya ang angking talento sa pagsulat upang iparating sa kaniyang
mga kababayan ang tunay na kinahaharap ng Espanya. Hindi niya pinalagpas ang
oportunidad at ginamit ito ng wasto upang magising ang makabayang damdamin ng
mga Pilipino.Ngunit naputol doon ang aking pagkatuto dahil sa mga sumunod na
araw ay wala na ako sa aming klase. Kasama ang ilan ko pang kamag-aral dumalo
kami sa isang pagsasanay para sa darating na ‘Regional School’s Press
Conference’. Lubha akong natuwa sa mga
naganap sa aming pagsasanay. Nakita kong muli ang aking mga bagong kaibigan at
marami rin akong natutunan na magagamit ko bilang isang manunulat. Sa kabila
noon ay may lungkot akong naramdaman nang aking marinig ang mga nangyari sa
aming klase noong kami ay nawala. Nagkaroon sila ng debate ukol sa kung dapat
ba o di-dapat na ginamit ni Rizal ang kaniyang panulat para sa kapakanan ng
bayan. Nais kong ibahagi ang aking opinyon ukol dito. Lahat tayo ay binigyan
ng talent, at responsibilidad natin ang gawing makabuluhan ito. Iyon ang ginawa
ni Rizal, hindi siya nagsulat para lamang mang-aliw, nagsulat siya ng mga
akdang kalian man ay hindi paglilipasan ng panahon. Pinili niyang gamitin ang
kaniyang talento upang imulat ang iba,
upang makapag-ambag sa ating kasaysayan.
Nag-iwan siya ng marka. Hanggang dito na lamang….
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento