Bahagi ng Tulang Elehiya Para kay Ram
Ni Pat V. Villafuerte
Kung ang kamatayan ay
isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang
humakbang pa
Sapagkat simula’t
simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na
batong naraanan mo
Habang nakamasid
lamang
Ang mga batang
lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad
ang mga kamay
Silang may tangang
kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na
rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng
maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming
huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais
mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at
paano
Ay nanatili kang
mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri
ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo
pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo
matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang
pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng
lima mong nakababatang kapatid.
“Kultura: Ang
Pamana ng Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan”
Pat V. Villafuerte
NOON,
ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang
pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano
man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano
man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti
man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal
man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang
bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang
bawat paghakbang ay may mararating.
ang
bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi
na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang
na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang
na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba
at panganib
mula
pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang
sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan
at kasarinlan
at
hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol
ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang
may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may
haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at
tangis ng pamamaalam.
ito
ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang
kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.
NGAYON,
sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing
nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw
sa ating diwa
nagbabanyos
sa ating damdamin
nag-aakyat
sa ating kaluluwa
sinubok
ng maraming taon
inalay
sa mga bagong sibol ng panahon
anumang
kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang
kultura’y pinayayabong
nang
may halong sigla at tuwa,
nang
may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang
sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang
inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang
sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang
pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang
patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya,
pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na
dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at
pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang
inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito
ang regalo ng kultura
regalo
ng kasalukuyan.
BUKAS,
ang kulturang itinudla ng nakaraan
at
inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at
mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang
gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang
rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang
luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw
ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali
ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang
marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay
sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama,
magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang
patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang
kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng
lahing magiting
ng
lahing kapuri-puri
ng
lahing marangal.
ni Jan Henry M. Choa Jr.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula
sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi
lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na
patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang
Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa
Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pagawit.
Dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng
tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng
mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal
tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat
ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa
katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa
Malaysia. Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza
Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya rin ay itinuturing na isa sa
pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang
artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at
mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang
magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa
maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas
ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang
katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang
kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga
tinatamasa.
Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga
kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may
natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang
tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay
isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik.
Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento