Ngayong linggong ito ay tinalakay namin ang parabula. At natutunan ko na ang parabula, ay nagmula sa salitang griyego na 'parabole' na nagsasaad ng dalawag bagay na maaaring tao, bagay, hayop lugar o pangyayari. Ginagamit ito upang magpahayag ng aral sa di tuwirang paraan. Kailangang basahin at unawain ng mabuti upang malaman ang nais na iparating na maacxensahe ng isang parabula. Ang mga parabula ay isinusulat sa patalinghagang paraan. Ang mga talinghaga ay mga pangungusap, parirala o isang salaysay na malalim o hindi tuwirang katuturan, kailangang pag-isipang mabuti. Kadalasang matatagpuan ito sa Bibliya. Isa sa aming mga binasa ay ang 'Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan” (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) '
Pinagawa din kami ni Gng. Mixto ng sarili naming talinghaga. Ito ay matapos talakayin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talinghaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento