Ngayong linggo dumako kami sa panibagong aralin. Unang ipinahanap sa amin
ang parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa
May-Ari ng Ubasan”
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) . Ang
parabulang ito ay tumatalakay sa isang may-ari ng ubasan na kumuha ng mga
manggagawa sa iba't-ibang oras at binayaran sila ng pantay-pantay na siyang
ikinagalit ng ilang naunang nagtrabaho. Bago namin tuluyan itong talakayin amin
munang inalam ang kaligirang pangkasaysayan ng parabula. Aking natutunan na ang
mga parabula ay nagmula
sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin? Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa
Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal
na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal
na pagkatao. Amin ding binigyang kahulugan ayon sa literal, simbolo, at
espiritwal ang ilang salitang upang mas lalo naming maunawaan ang parabulang
binasa, at mabigyang gabay kami sa pagbibigay kahulugan sa susunod pang mga
parabula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento