Sabado, Nobyembre 29, 2014

Ikatlong Linggo

Ngayong linggo dumako kami sa panibagong aralin. Unang ipinahanap sa amin ang parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan

(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) . Ang parabulang ito ay tumatalakay sa isang may-ari ng ubasan na kumuha ng mga manggagawa sa iba't-ibang oras at binayaran sila ng pantay-pantay na siyang ikinagalit ng ilang naunang nagtrabaho. Bago namin tuluyan itong talakayin amin munang inalam ang kaligirang pangkasaysayan ng parabula. Aking natutunan na ang mga parabula ay  nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao. Amin ding binigyang kahulugan ayon sa literal, simbolo, at espiritwal ang ilang salitang upang mas lalo naming maunawaan ang parabulang binasa, at mabigyang gabay kami sa pagbibigay kahulugan sa susunod pang mga parabula.

Ikalawang Linggo

Gramatika

Ngayong liggong ito aming tinalakay ang paghahambing.Nahahati ito sa dalawa, ang paghahambing na magkatulad at pahambing na di magkatulad . Mahalagang malaman ang pahambing upang maipakita natin nang mas mabuti ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay bagay, o maging ng mga tauhan sa kuwento na ating binabasa. Epektibong paraan din ito upang mas maipanunawa ang ipinararating ng mga teksto.

Unang Linggo

Rama at Sita

Ang akda para sa araling ito ay isang kabanata mula sa epikon Ramayana at Mahabharatha. Ang nasabing epiko ay ang pinaka mahabang epiko sa buong mundo. Ang Ramayana ay mayroong 24,000 na kabanata, samantalang ang Mahabharatha ay mayroong 100,000 na kabanata, ngunit sa aralin ito sa isang kabanata lang nakapokus. Sinasalamin ng kanilang epiko an kultura at paniniwala ng India. Tulad na lamang ng paniniwala nila sa kagandahan, katotohanan at kabutihan. Naniniwala din silang pinapapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos ng ayon sa lipuanan. Sa Rama at Sita, ipinakita ang mga paniniwalang ito ng matalo ni Rama si Ravana sa kabila ng pagiging higante nito.