Lahat ng bagay may pinagmulan...lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit sila nabuo...Hindi tamang maging ignorante tayo sa sarili nating pinagmulan.
Bata pa lamang atin nang kinamulatan ang mga alamat, mapa prutas, lugar, halaman, o bundok man yan, lahat ay may alamat, isang kuwento ng kanilang pinagmulan. Mga kuwentong nagmula pa sa malawak na imahinasyon ng ating mga ninuno.Kung ang isang bata ang iyong tatanungin kung saan nagmula ang prutas na pinya tiyak na magiliw niyang ihahayag sayo ang kuwento ng batang si Pina na ubod ng tamad maghanap. Ipinapakita lamang nito ang malaking bahaging ginagampanan ng alamat sa ating panitikan at araw-araw na buhay.
Ang mga alamat ay sumasalamin sa kultura ng ating mga ninuno. Mahalaga ang may kaalaman tayo dito, upang mapanatili natin itong buhay sa paglipas na panahon. Isa rin itong pang-aliw at higit sa lahat ay pinagkukunan ng mga aral. Ang batang pinalaki sa mga alamat ng kanilang lolo at lola ay tiyak na madisiplina. Halimbawa na lamang ang mga batang nakakaalam ng alam ng pinya, maaring sila'y natakot sa naging kaparusahan ni Pina kaya't matututo silang hanapin nang maigi ang isang bagay...
Kung wala kang alam sa alamat, ano na lamang ang ikukwento mo sa mga apo mo pagdating ng panahon? Paano mo malalaman ang gawi ng tao noon? Kaya naman ngayon pa lamang ay magbasa ka na! :)
magaling
TumugonBurahin