Pero teka...
Paano mo ikukwento yan sa matalik mong kaibigan?
Kalimutan muna natin ang iyong nuhay pag-ibig at mag-aral muna tayo!
Alam mo bang sa araw-araw na pananalita at pagsusulat ay gumagamit tayo ng mga pangatnig at transitional devices?
Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan.
ANG MGA HALIMBAWA NG PANGATNIG AY ANG MGA SUMUSUNOD:
at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang
Uri ng Pangatnig
1. Pantuwang –
pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan
Hal.
Ang
pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi
nito.
2. Pamukod – may ibig
itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
Hal.
Ikaw
o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan.
3. Paninsay – kung sa
tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal.
Umiyak
nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit
naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
(Ang
subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan
ng pangungusap.)
4. Panubali – nagsasaad
ito ng pag-aalinglangan
Hal.
Walang
kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi – nagsasaad ng
kadahilanan at pangangatwiran
Hal.
Mga
takot ang mga anak palibhasa’y takot din ang ina.
6.
Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari
Hal.
Hindi
na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito
ang kaniyang pagbabago.
7.
Panapos – nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas kinakikitaan din ng
pagbabago ang ama.
Ayun lamang sana'y may naututunan ka ! :)