Aking minamahal na
blog,
Parang minuto ang
paglipas ng mga araw, hindi ko namalayan na isang linggo na naman ang lumipas.
At gaya ng mga nakaraang linggo ang aming talakayan ay nakatuon sa Noli Me
Tangere. Nagkaroon kami ng pangkatang gawain upan lalong mas makilala si
Crisostomo Ibarra at ang mga mahahalagang pangyayari sa kaniya. Kinilala naming
siya bilang mangingibig at anak. Bilang isang tapat na mangingibig na nabigo sa
huli at hindi nakamtan ang kasiyahan kasama si Maria Clara, bilang isang anak
na naulila at ninanais na bigyang katarungan ang pagkamatay ng ama. Mula sa mga
pangarap na kaniyang binuo at ang mga naging hadlang dito. Binalikan naming ang
mahahalagang pangyayari sa bawat kabanata upang masagot ang isang
katanungan…Kung si Crisostomo Ibarra ba ay biktima ng pagkakataon. Sa nobelang
Noli Me Tangere marami ang pangyayaring dapat na unawain upang masagot ang
katanungang ito. At iyon ang aking pag-iisipan sa nalalabing panahon bago
dumating ang araw ng Martes… Sa muli.
Nagmamahal,
Camille
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento