Lunes, Setyembre 29, 2014

Ang Aking Paboritong Guro

Ang Aking Paboritong Guro


Makulit ka bang bata? O di kaya'y ubod ng tamad? Yung tipong pumapasa dahil sa kopya? Naku! Di ka uubra sa aking guro. 


Itong guro kong ito ay sobrang nakakatakot. Sa kaniyang pagtindig sa harap ng klase lahat ay natatahimik, nanalilisik ang kaniyang mga mata kaya naman walang gustong umimik. Tuwing darating siya sa aming klase, lahat parang tumitigil ang pagagalaw. Sa sandaling marinig namin ang akaniyang mga yapak, parang maamong tupa kaming babalik sa aming kaniya-kaniyang mga upuan.


Itong teacher ko na ito talagang di ko makakalimutan, sa maraming beses niya akong ipinahiya sa harap ng klase na muntik pa akong maiyak. Tanda ko pa nung hindi niya kami pinapasok sa loob ng silid-aralan, dahil lamang sa nadatnan niya kami sa corridor. Maraming kwaderno na din ang tumilapon dahil sa panget ang sulat. Halos lahat na ata ay naranasang tumayo ng buong klase dahil sa wala silang takdang aralin. Napaka lupit niya ! Pero sa kabila ng lahat ng mga ito siya pa din ang aking paboritong guro.


Ang dahilan kung bakit siya ang aking paboritng guro ay dahil sa lahat ng mga ginawa niyang iyon, naging matatag ako. Sa bawat galit at sermon na natatamo ko sa kaniya noon, mas lalong lumalakas ang aking determinasyon upang mas lalong pagbutihin ang pag-aaral. Bawat masasakit na salita niya ay tumatak sa aking isispin. At nagsilbing hamon sa aking pagkatao. Lahat ng mga ginawa niyang iyon ay nagsilbing paalala sa akin na malayo pa ang aking lalakbayin...


Hindi ko siya makalilimutan, ang aking gurong daig pa ang dragon kung magalit. At kahit hindi niya na ako estudyante ay patuloy pa din akong natututo. Balang araw ay babalikan ko siya at taas noong sasabihing, " Ma'am, ako po yung batang madalas niyong pagalitan noon!". At alam kong ngingiti siya dahil alam niyang malaki ang bahaging kaniyang ginampanan para marating ko ito.


Ma'am Mendoza, ang aking guro sa English noong ako'y nasa ikapitong baitang, maraming salamat po ! :)